4 Weird Tips How To Make Your Dreams A Reality

Muntik na kong mapahamak…

Isang araw pauwi ako ng bahay. Sumakay ako ng bus galing Philcoa (Malapit sa Q.C. Memorial Circle)

Pagsakay ko sa bus, ang pinili kong upuan ay yung pang tatluhan. Pinili ko yung bakante para wala akong katabi at relax ang byahe.

Wala pang isang minuto kaming umandar, huminto ulit yung bus kasi may sumakay na istudyante.

Mukang sa UP Diliman nagaaral.

Pagkasakay nung binata, sabay din na may mga lalaking tumayo na parang papara at bababa.

Mga nasa lima yung lalaki, puros matatangkad at malalaki ang katawan. Parang bouncer pa yung dalawa.

Parang sinalubong nung limang lalaki habang papasok yung istudyante sa gitna ng bus.

Kaya nagkagitgitan pa sila at naipit sa gitna yung istudyante.

Tapos kinutuban na ko, sa isip ko sabi ko baka mandurukot ‘tong mga ‘to ah. O kaya mas worst baka mga holdaper ‘tong mga gago na ‘to.

Tapos ito na…

Hindi pa nakakaupo yung istudyante nagsalita na s’ya ng… “Cellphone ko…Celphone ko?!… Asan na???”

Mukang nadukot na yung cellphone ng kawawang bata. Tsk tsk tsk.

Simula na silang makaagaw ng pansin ng ibang mga pasahero. Parang nagkakagulo na nga eh.

Pero tuloy pa din ang takbo ng bus at hindi pa nakakababa yung lima.

Parang naalarma din silang lima nung nagsalita yung istudyante. Hindi sila lahat mapakali.

Yung isang kasama nila na mukang bouncer biglang tumapat sa inuupuan ko, sinenyasan ako na umusog daw ako dahil uupo sya.

Napatulala ako at di ako nakakilos. Nakita ko kasi na parang may hawak hawak sya sa loob ng jacket nya. Baka baril o panaksak.

Hindi ako umusog kasi iniisip ko baka tutukan ako nito. Baka holdapin ako nito. Dala ko pa naman hung bagong tablet ko tsaka P10,000 na cash na pang gastos namin ng pamilya ko.

Inimagine ko na kagad kung ano bang gagawin ko kung sakaling magdeclare ng holdup tong mga tarandtadong to.

Ginigitgit pa din ako nung isang mama pero di talaga ko natinag.

Lalaban ba ko o ibibigay ko na lang yung last money ko pati yung bagong tablet ko.

Buti na lang at salamat sa Diyos at pumara na yung isa nilang kasama at nagbabaan na ang mga loko.

Pagtapos nila bumaba, nagsimula nang magingay at magusap yung ibang pasahero ng bus, “Mga holdapper yun”…”Mga mandurukot”

Sabi naman nung kundoktor… “Wala kaming magawa kasi kami ang babalikan ng mga ‘yan ‘pag pumalag kami.”

Yung istudyante parang napariwara… Panay pa din ang sabi ng “Cellphone ko?!… Cellphone ko!”.

Parang gusto pa nga n’yang bumaba para habulin yung mga lalaki.

Buti na lang may pumigil sa kanya, kasi baka napano pa s’ya.

Ako naman ahhhmm…

Natulala ako ng ilang minuto.

Medyo shock as nangyari.

Inisip ko kung anong pwedeng ibang nangyari.

Pano kaya kung tinutukan ako tapos naglaban ako?

Dun ko talagang nasabi sa sarili ko na…

“Ayaw ko na talagang mag-commute!”

Kaylangan ko na talagang magkaron ng sarili kong sasakyan.

2 beses na din akong na slash-an ng bag at nakuhaan ng cellphone dati. Nung high school ako tsaka nung time na galing akong trabaho.

2 beses na din ako nadukutan. Isa sa Cubao at isa sa Baguio.

Lahat ‘yun dahil sa pagko-commute.

Tapos ngayon naman nalagay pa sa peligro ang buhay ko.

Ayaw ko ng malagay sa panganib ang buhay ko o ang buhay ng pamilya ko.

Kaya talagang nagpursige ako na magkaron ng sarili kong sasakyan.

Fast forward today, I’m blessed and thankful na nakapag pundar na kami ng 2 sasakyan dahil sa’king online business.

Isa dun ay sports car. Isa sa mga dream car ko.

Picture of my new baby…

[images style=”0″ image=”http%3A%2F%2Fworkwitheduardreformina.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2015%2F03%2FEduard-86-SMALL.jpg” width=”800″ align=”center” top_margin=”0″ full_width=”Y”]

[images style=”0″ image=”http%3A%2F%2Fworkwitheduardreformina.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2015%2F03%2FEduard-86-2-SMALL.jpg” width=”800″ align=”center” top_margin=”0″ full_width=”Y”]

[images style=”0″ image=”http%3A%2F%2Fworkwitheduardreformina.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2015%2F03%2FAkie-Ed-86-SMALL.jpg” width=”800″ align=”center” top_margin=”0″ full_width=”Y”]

Marami ang mga nagtatanong sa’kin…”Pano ko ba makuha ang pangarap ko?”

Ito yung ginawa ko at ito lang din yung kaylangan mong gawin:

1. You Need To Be Obssesed About Your Dreams

Kaylangan maging obsessed ka na makuha kung ano man yung pangarap mo. Hindi pwede na gusto mo lang kasi wala lang.

Kaylangan maramdaman mo na hindi ka kumportable hanggat hindi mo nakukuha yung pangarap mo.

Tipong di ka makatiis, di ka mapakali at di ka makapag antay na mangyari ang pangarap na yun.

Sa sobrang pagka-obssed mo alam mo sa sarili mo kung ano yung eksaktong dahilan bakit mo gustong makuha ang pangarap na yun.

Kaylangan kaya mong maexplain sa ibang tao kung bakit mo gustong makuha ang pangarap mo na yun.

2. Combine These 2 Motivational Styles

Merong 2 klase ng motivation na magtutulak sa’yo papunta sa mga pangarap mo.

Una yung tinatawag na “Away Motivation Style”…

Ang isang mayaman at very successful na tao ay maaaring naging mayaman dahil ayaw nya lang mabuhay ng naghihirap.

Ang naging motivation n’ya ay lumayo sa circumstances na ayaw n’yang maranasan.

Your motivation is your desire to get AWAY from what you don’t like.

Isang exaple din nito ay dun sa kinuwento ko kanina.

Ayaw ko na din maranasan na malagay sa panganib ang buhay dahil sa wala kang sariling sasakyan.

Kaso may problema sa motivational style na ito.

Kapag nakaalis ka na dun sa circumstances na ayaw mo, maaaring ma-stuck ka na.

Wala na kasing magmo-motivate sa’yo papunta sa next level.

Pwedeng ma-blanko ka at hindi mo na alam kung anong next goal mo, o kung ano yung next purpose mo.

Yung isang motivational style na yun ay yung “Towards Motivation Style”…

Ito yung mangangarap ka na ng mas-malaki.

Ang isang businessman ay naging mas-successful dahil sa kanyang bigger purpose. Maaaring gusto n’yang makatulong at makapag lingkod sa maraming tao.

Ang isang athlete ay maaring naging champion dahil sa desire nya na maging pinaka magaling sa lahat.

This time, your motivation is your desire TOWARDS where or what you want to be.

In my opinion kaylangan pagsamahin mo itong dalawa na ‘to kung gusto mong ma-reach yung highest potential mo as an entrepreneur.

Yung “Away Motivation Style” ang unang magiging motivation mo para baguhin ang current lifestyle mo.

At yung “Towards Motivation Style” ang magtutulak sa’yo papunta sa mas-mataas na level.

3: Don’t Listen To Negative People

One time may nagtanong sa’kin kung plano ko daw bang bumili ng motor.

Ang sagot ko sa kanya “Ayaw ko ng motor, gusto ko kasi kotse”.

Sagot nya sa’kin… “Napaka ambisyoso mo naman! Pano ka makakabili ng kotse?”

Sagot ko na lang… “Basta.”

Tapos tinawanan n’ya ko.

In other words, hindi s’ya naniwala sa’kin.

Kanina nakita ko na-naglike s’ya sa facebook nung pinost ko yung new picture ng new baby namin. 😀

Sa buhay mo maraming tao ang hindi maniniwala sa’yo.

Yung iba kokontrahin ka pa. Yung iba ide-demotivate ka sasabihan ka na hindi mo kaya.

I challenge you to prove them all wrong.

At pasalamatan mo sila in the future, ng dahil sa kanila mas na-push ka na kuhain ang mga pangarap mo.

4: Shut Up and Do It

Marami na ‘kong nakasamang mga pumasok sa business. Marami na din kong nakausap na mga taong may mataas na pangarap. Marami na kong naturuan at nabahagian ng mga natutunan ko.

Marami akong nakitang nag-falied, at meron din akong nakitang mga nag-succeed.

Naobserbahan ko na may isang katangian na nagse-seperate dun sa mga nagiging successful at dun sa mga nagfe-failed.

Yung mga nagfe-failed, ang bukang bibig ay… “EH KASI”

Lagi nilang paliwanag kung bakit wala silang resulta ay ang mga ito…

“Eh kasi wala akong time mag-market!”

“Eh kasi wala akong budget sa ads!”

“Eh kasi wala akong makausap na prospects!”

“Eh kasi hindi maganda yung product”

“Eh kasi walang nagtuturo sa’kin”

“Eh kasi wala akong blog!”

Kulang na lang sabihin nila na “Eh kasi bata”

Yung mga nagiging successful naman.

They f*cking believe in themselves.

Meron at mataas ang tiwala nila sa sarili nila.

Ayokong maging isa ka sa mga nagsasabi ng “Eh kasi”.

Gusto ko ikaw yung payaman… Palaban at may paniniwala sa sarili.

Kung ikaw hindi mo magawang maniwala sa sarili mong kakayanan at abilidad, pano mo pa magagawang paniwalaan ka ng ibang tao?

Magsisimula ang lahat sa’yo.

Pano mo magagawang tumaas ang bilib mo sa sarili mo?

Be consistent sa pag aaral mo ng mga bagong knowledge at skills.

Maging consistent ka sa pagbasa ng ibat-ibang libro, panonodd ng mga training videos na magbibigay ng knowledge at skills sa’yo para maging successful.

Be consistent din sa pag take ng action at sa pagkuha results. Kahit small results lang sa simula.

Pagnakaka-experience ka kasi ng resulta, kahit paunti-unti pa lang sa simula, yun ang magpapatibay ng tiwala mo sa sarili mo.

Hanggang darating yung point na feeling mo ikaw na si superman at feeling mo na ay kaya mong ma-achieve ang kahit ano.

I’ve been there. Nagsimula ako sa wala (At dumating ako sa point na walang-wala)

Naranasan ko ang ibat-ibang rejactions, ibat-ibang frustration, ibat-ibang failure at trial and error.

Itong shinare ko sa’yo sa blog na ito ang ginawa ko para makuha yung mga pangarap ko.

Pero hindi pa ko tapos dahil nagsisimula pa lang ako. Marami pa kong gustong ma-achieve.

Listen to me… My point is anyone can achieve anything in life.

Kaya mong makuha ang kahit na anong pinapangarap mo sa buhay.

Hindi importante kung ano pang background mo, kahit saan ka pa nanggaling, o kung ano man.

Ako isa ‘kong undergrad, walang background sa kahit anong business at galing sa buhay hirap.

YOU can create success for yourself as long as you have a strong belief in yourself, as long as willing to work HARD for it and as long as you faith in God that he will provide.

I wish you great guidance from above.

I wish you great success in your business.

And I wish na makuha mo ang pangarap mo.

Just stop complaining and start doing it.

Go make your dreams your reality!


P.S. – Let me know kung ano masasabi mo dito sa nabasa mo, mag-comment ka sa baba, at kung may napulot ka dito sa blog post na ‘to pwede mo din ‘tong i-share.

P.P.S. – Kung part ka ng aming Ignition Marketing Team, make sure na ipabasa mo ang post na ‘to sa mga partners natin.

Untill next time!

Your Friend To Success,

Eduard R

 

 

 

 

 

– Eduard Reformina

Facebook Comments

About The Author

Related Posts

95 Comments

  1. Jumair Macabago March 25, 2015 Reply
    • eduardreformina March 25, 2015 Reply
  2. Mark Cris L Cabanilla March 25, 2015 Reply
    • eduardreformina March 25, 2015 Reply
  3. Odranoel Canete March 25, 2015 Reply
  4. Salvador Jr Reblora Ropan March 25, 2015 Reply
    • eduardreformina March 25, 2015 Reply
      • bryan March 25, 2015 Reply
  5. fox niner March 25, 2015 Reply
  6. ruben llamas March 25, 2015 Reply
  7. Aim Mervin Odiongan March 25, 2015 Reply
  8. Salie L. Panuncio March 25, 2015 Reply
    • eduardreformina March 25, 2015 Reply
  9. Lorielyn Bondad March 25, 2015 Reply
  10. Jannet March 25, 2015 Reply
  11. Edgie Duque Jr. March 25, 2015 Reply
    • eduardreformina March 25, 2015 Reply
  12. Maribel Lin March 25, 2015 Reply
  13. miriam de chavez March 25, 2015 Reply
  14. Prince March 25, 2015 Reply
    • eduardreformina March 26, 2015 Reply
  15. adonis simon March 25, 2015 Reply
  16. Frank March 25, 2015 Reply
  17. Marilou March 25, 2015 Reply
  18. Rolando Reyes March 25, 2015 Reply
    • eduardreformina March 26, 2015 Reply
  19. Limuel Tuliao March 25, 2015 Reply
    • eduardreformina March 26, 2015 Reply
  20. nora March 25, 2015 Reply
  21. Rodolfo Borgonos March 26, 2015 Reply
  22. Emz Garay March 26, 2015 Reply
    • eduardreformina March 26, 2015 Reply
  23. Mhon Abordo March 26, 2015 Reply
    • eduardreformina March 26, 2015 Reply
  24. Michel Serna March 26, 2015 Reply
  25. Vergara Levi Zillion March 26, 2015 Reply
  26. andrewdelacruz March 26, 2015 Reply
  27. Angie March 26, 2015 Reply
  28. Mentor Jee Arro March 26, 2015 Reply
  29. nolyonteroso March 26, 2015 Reply
  30. Russel Vida March 26, 2015 Reply
  31. claudio nava jr March 26, 2015 Reply
  32. Norly Reyes March 26, 2015 Reply
    • eduardreformina March 26, 2015 Reply
  33. Jhon Adrian Milag March 26, 2015 Reply
  34. Alberto Chica Jr. March 26, 2015 Reply
  35. Kent Mels March 26, 2015 Reply
  36. Joemz March 26, 2015 Reply
  37. Raken Reyes March 26, 2015 Reply
    • eduardreformina March 26, 2015 Reply
  38. Maria Fe Jamisola March 26, 2015 Reply
  39. radradwafogie2015 March 27, 2015 Reply
  40. wheng March 27, 2015 Reply
  41. Greg Mapolo March 28, 2015 Reply
  42. Eddie March 29, 2015 Reply
  43. halley March 29, 2015 Reply
  44. Wil Tal March 29, 2015 Reply
  45. Neil Yanto March 30, 2015 Reply
  46. rutchelle ann bardaje March 30, 2015 Reply
  47. halley March 31, 2015 Reply
  48. John Romel Monteron Baldisco April 2, 2015 Reply
  49. RAijin Ninja April 5, 2015 Reply
  50. manny April 8, 2015 Reply
  51. Aimlyn Domingo Acruz April 10, 2015 Reply
  52. vincent April 10, 2015 Reply
  53. Roderick April 11, 2015 Reply
  54. Angelo Samano April 11, 2015 Reply
  55. Janielo De Leon April 14, 2015 Reply
  56. Rudy Hipolito April 16, 2015 Reply
  57. karen rosales April 24, 2015 Reply
  58. susan May 7, 2015 Reply
  59. kc.cordero May 12, 2015 Reply
  60. Minerva S. Casil May 13, 2015 Reply
  61. Ruel Galolo May 31, 2015 Reply
  62. Maricar Wagan-Cainoy June 15, 2015 Reply
    • eduardreformina July 8, 2015 Reply
  63. anna escarlan June 27, 2015 Reply
  64. Ruben Bert Pingol June 27, 2015 Reply
    • eduardreformina July 8, 2015 Reply
  65. Lars July 26, 2015 Reply
  66. erlinda nieva July 29, 2015 Reply
  67. Buddy Tablan August 27, 2015 Reply
  68. Yhan Vibar September 5, 2015 Reply
  69. Glesh Rom October 18, 2015 Reply
  70. sheyn lyn October 21, 2015 Reply
  71. sheyn lyn October 21, 2015 Reply
  72. GXMoren1 November 6, 2015 Reply
  73. george cajara November 13, 2015 Reply
  74. Loreto Aquino November 14, 2015 Reply
  75. archimedes del mundo go November 24, 2015 Reply
  76. Rex Prantilla December 3, 2015 Reply
  77. Loreto Aquino December 3, 2015 Reply
  78. Jonathan January 3, 2016 Reply
  79. Sarah Jane Montellan January 7, 2016 Reply
  80. Paulo Adrian Sonza February 11, 2016 Reply

Leave a Reply