Minsan Ito Lang Ang Kaylangan Mo

Naranasan Mo Ng Mawalan Ng Pagasa?

Pinasok ng magnanakaw ang appartment namin!

2008 nung mangyari yun, nasa Middle East ako nagtatrabaho as OFW.

Habang naka-duty kami ng mga kasamahan ko, nakatanggap kami ng text na pinasok daw ng mga magnanakaw yung appartment namin.

Nagmadali kaming makabalik sa bahay para i-check ang mga gamit.

May 3 kwarto sa appartment namin pero dalawa lang ang nabuksan.

Malas, isa sa nabuksan ay yung tinutulugan ko.

Habang pabalik kami sa appartment isa lang ang nasa isip ko.

Sana hindi nabuksan yung maleta ko.

Alam mo kung bakit?

Kasi nung time na yun, tatanga-tanga pa ko sa pera.

Wala akong bangko. At lahat ng pera ko iniipon ko lang sa naka-padlock na maleta ko.

Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto, kita ko kagad nakabulatlat yung maleta ko.

Lagpas P200,000 na dalawang taon ko pinagipunan… POOOF nawala ng parang bula.

Yung ibang kasamahan ko nag iiyakan na.

Yung isa naman mura ng mura.

Ako naman tulalang-tulala. Shocked talaga ko at hindi ako makapag salita.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari.

Lahat ng pinaghirapan mo napunta sa wala?

Lahat ng mga nakaplano na paggagamitan ko nung pera gumuho.

Nawalan ako ng gana nawalan ako ng pagasa.

Naranasan mo na ba yung ganun? Lahat ng effort mo nawala? Naranasan mo ng mawalan ng pagasa?

Pero mabait pa din talaga si Lord.

May isa kong kaibigan dun na nag-alok ng tulong.

Inabutan n’ya ko ng onting halaga, pero ang pinaka di ko malilimutan ay yung isang binigay n’ya sa’kin.

Pinaka Nakaka-Inspire Na Movie

May kinuwento kasi s’yang pelikula, sci-fi at futuristic yung movie.

Dun sa movie, pagkasilang pa lang ng mga baby, kukuhanan kagad sila ng blood sample.

At malalaman kagad ng mga doctor kung malakas ba o mahina ang pangangatawan ng baby na yun.

Nalalaman kagad nila kung magkakaron ba ng kahit anong sakit ang baby na yun paglaki (Ex: sakit sa puso, cancer, etc.).

At nalalaman na rin nila kung gano katagal ang magiging buhay ng bawat sangol. Lupit noh?

Eto na… May discrimination.

Yung mga tao lang na malakas at may mahabang life span ang binibigyan ng chance na magkaron ng magandang trabaho at magandang future.

Ang tawag nila sa mga ‘yun ay VALID.

Yung mga valid magaganda ang trabaho, estado, nirerespeto, etc…

At yung mga VALID lang ang makakarating sa Gattaca.

Yung Gattaca isa syang moon ng Saturn at doon lahat nagpupunta yung mga pinaka successful na tao.

Kapag naman maikli lang ang buhay mo at kapag sakitin ka, sigurado ang bagsak mo ay mababang trabaho at mababang estado.

Ang tawag nila sa’yo ay INVALID (Grabe sa discrimination noh?).

Ang pangalan nung bida sa pelikula ay Vincent.

Mahina si Vincent, may sakit s’ya sa puso at hanggang 30 years lang ang life span n’ya.

At dahil INVALID s’ya, Janitor ang naging trabaho n’ya.

Pero noong bata pa lang s’ya, pangarap na n’ya na makapunta sa Gattaca.

Imposible na makapunta s’ya dun dahil bago ka makapunta sa gattaca, may matagal na training kang pagdadaanan.

At dun sa mga training na yun, araw-araw ka nilang kukuhaan ng blood sample at urine sample. Para makasigurado sila na tanging mga VALID lang ang makapunta sa Gattaca.

Pero determinado si Vincent.

Kung ano-anong mga paraan ang ginawa n’ya dahil pangarap talaga n’yang makapunta sa Gattaca .

Marami s’yang mga naging challenges.

Marami s’yang mga naging obstacles.

Pero hindi s’ya nag-give up.

Kahit sinabi ng mga tao na hindi n’ya kaya.

Kahit sinabi na mga tao na hindi s’ya deserving.

Ang ginawa n’ya ay NANIWALA lang s’ya sa sarili n’ya.

Dahil meron syang BELIEF nagawa n’ya LAHAT ng paraan para makapunta sa Gattaca.

Eventually nangyari ang isang bagay na imposible.

Nakapunta s’ya sa Gattaca at walang nakapigil sa kanya para maabot yung pangarap n’ya.

Ang title nung movie ay GATTACA.

Panoorin mo rin magandang movie.

Minsan Ito Lang Ang Kaylangan Mo

Balik tayo sa kwento ko.

Pagkatapos ikwento sa’kin ‘tong movie na ‘to, tinanong ako nung kaibigan ko…

Ano daw ba ang star o pangarap ko?

Sabi nya sakin kahit ano pa yung star (pangarap) ko na ‘yun, sigurado na may mga challenges daw na darating sa buhay ko.

Pagtapos hinawakan n’ya ko balikat, tinignan n’ya ko sa dalawang mata at sabi n’ya.

Eduard…Wag na wag kang hihinto sa pagabot ng star mo dahil kaya mong maabot lahat ng mga pangarap mo.

Minsan ang kaylangan lang natin ay mga tao na maniniwala sa’tin.

Alam mo hanggang ngayon nakaka-experience pa din ako ng mga challenges.

Kasama talaga yun sabuhay at sa business.

Minsan nagkakaron pa rin ako ng self doubt. 

Pero natatandaan ko lang palagi yung araw na yun.

Lagi kong natatandaan na di dapat ako mawalan ng pagasa. Dahil meron at merong mga tao na maniniwala sa’yo.

Ikaw… Ano ang star mo?

Ano yung mga pinaka pinapangarap mo sa buhay?

Kahit ano pa man ‘yan, kaya mong makuha at maabot ‘yan!

Kung naranasan mo minsan na mawalan ng pagasa,

Kung minsan pakiramdam mo ay parang imposible,

Kung minsan parang nawawalan ka na ng bilib sa sarili mo,

Kung minsan pakiramdam mo eh walang taong naniniwala sa’yo…

Gusto lang sabihin sa’yo – I BELIEVE IN YOU!

Naniniwala ako sa’yo.

Naniniwala ako na ikaw o kahit sino… kaya mong makuha lahat ng gusto mo.

Wag na wag kang hihinto para abutin yung STAR mo.

Wag na wag kang mag-gi-give up na makuha ang mga pangarap mo.

At kung minsan ay mawawalan ka na naman ng pagasa at malolowbat ka…

Tandaan mo palagi merong tao na naniniwala sa’yo.

12204751_10153665524508361_360796940_n

 

– Eduard Reformina

Facebook Comments

About The Author

Related Posts

Leave a Reply