4 Steps That You Must Follow To Become Successful In Network Marketing

Last month tinanong ako ng isa kong member kung pwede ko ba s’yang bigyan ng feedback sa gagawin n’yang strategy.

Medyo matagal na s’yang nasa Network Marketing pero hindi nya pa din makuha yung resultang gusto nya.

So nag agree ako na magbibigay ako sa kanya ng feedback, sabi ko sa kanya “sige bigyan kita ng feedback sa gagawin mo. Pero kaylangan mong i-apply yung PDCA process.

Ano yang PDCA process. Ganito yan explain ko sa’yo…

Ang totoong feedback na kaylangan mo as marketer and as entrepreneur ay yung mga feedback na makukuha mo from taking action.

Yun kasi talaga yung makakapag sabi talaga sayo kung OK yung mga actions na ginagawa mo.

Kung hindi nagpu-produce ng results yung mga actions mo, malamang mali ang ginagawa mo.

Anong gagawin mo pag ganun?

You ADJUST. Susubok ka ng ibang approach.

Tapos pag nagwork, do lots of it.

PDCA cycle means.

Plan – Planuhin mo mga gagawin mo. Gawa ka ng daily actionable plans para mahit yung bigger plan/goals mo.

Do – take ka ng action on a daily basis.

Check – Check mo kung nagwo-work ba yung plano mo at yung mga ginawa mo.

Adjust – Last but not least adjust. Kung hindi nagpu-produce ng results yung ginagawa mo, ibig sabihin kaylangan mong mag-ADJUST. Mag-try ka ng ibang approach o kaya entirely new strategy.

Hanggang sa merong mag-work. Tapos pag may nagwork nang strategy o approach sa’yo, do lots of it.

Then balik ka ulit sa PDCA cycle, bagong plan ulit to hit your other goals, bagong checking ulit, at bagong adjustments ulit.

May napanood akong isang documentary about commedians. Alam mo ba pano nakakagawa ng mga nakakatawang jokes ang mga stand up comedians?

First they plan for their joke minsan sinusulat pa nila sa papel. Tapos tetestingin nila yung joke na yun sa maliit na audience. Pag hindi nakakatawa, hindi na nila uulitin yung joke na yun o kaya iibahin nila.

Pero pag OK naman yung joke at madami ang mga natawa, itetesting nila yung joke na yun sa mas malaking audience. They will refine that joke at pagagandahin pa nila ng mas mabuti. Lalagyan ng iba-ibat ibang variation, ibat-ibang facial expression, at mga props para malaman nila yung feedback ng mga audience nila.

Pag alam na nila kung ano yung BEST version ng joke nila (yung version na pinaka nakakatawa, dun na nila gagamitin yung jokeso yung punchline na yun sa malakihang audience at sa harap ng TV.

In other words they also use Planning, Doing, Checking and Adjusting.

PDCA is the exact same process na ginagamit ko sa aking busines. Gamitin mo itong process na ‘to sa lahat ng strategy na ginagawa mo. Gamitin mo ‘to para magkaron ng successful na business.

 

Regards,

Eduard Reformina

 

PS – Nagkaron din kami ng webinar recently kung saan tinuro ko ng mas-mabui ‘tong PDCA process na ‘to, you can watch the replay below. Don’t forget to comment below.

PPS – 7 Days Left To Attend “Breakthrough Event”. Click Here To Get Your Ticket.

 

Facebook Comments

About The Author

Related Posts

3 Comments

  1. Lester August 20, 2016 Reply
  2. Zenaida Aguilar August 21, 2016 Reply
  3. Merlinda September 19, 2016 Reply

Leave a Reply